jump to navigation

Journey to the Center of the Earth July 17, 2008

Posted by rockerfem in Films, Reviews.
Tags: ,
2 comments

Last night Karla and I decided to watch a movie since it was drizzling outside. We first ate dinner in Tong Yang ( a good time for Shabu-Shabu!) and then headed off to the cinemas in SM Megamall. By the way it’s my first time to watch a movie there. I was amazed because the theater was so big. Hehe. We decided to watch this movie since we planned on watching it while we saw the movie trailer. (more…)

Advertisements

Pagsusuri sa Pelikulang Rome and Juliet: Ang Pagtawid sa Kumbensyonal na Lesbiyana December 2, 2006

Posted by rockerfem in Films, homosexuality, Lesbian, lgbt, Reviews.
add a comment

Rome and Juliet, sa mga hindi nakakaalam nito ay marahil ay sasabihin na may typo error na nangyari. Hindi po, hindi po nito itinutukoy ang Romeo and Juliet na isinulat ni William Shakespeare. Ito po ay isang Pelikulang Pilipinong nagsasalaysay sa pag-uulayaw ng dalawang babaeng nag-iibigan at paglaya ng sari-sariling kasarian. Sa titulo nito, naipakita na kaagad ang pagbaklas sa heterosekswal na ‘taken for granted reality’ nito nagpapatungkol sa bawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang na heterosekswal. Kaya naman sa pelikulang ito, angkop na tawagin itong Rome and Juliet upang magpatungkol sa bawal na pag-iibigan ngunit ang pinagkaiba nga lamang nila kay Romeo at Juliet ay mas malalaking institusyon ng lipunan ang kalaban nina Rome at Juliet ( ang pamilya, ekonomiya, relihiyon, at marami pang iba) kaysa kina Romeo at Juliet na tila pang-personal na isyu lamang ang kanilang tinatalakay.Sa aking palagay naging epektibo ang paggamit ng titulong ito. Sisimulan ko muna sa iilang mga elemento nito at palalawigin sa pamamagitan ng mga isyu na nakapaloob o kaya naman ang mga naitulong nito sa pagpapalalim ng palikula. Ipagpaumanhin ninyo na hindi ako isang eksperto sa mga elementong ito ngunit ito lamang ay batay sa aking natutunan sa aking film 10 na klase sa ilalim ng pagtuturo ni Prop. Roland Tolentino at Art Stud 177 kay Prop. Eloi Hernandez. Bagamat may 7 ( o mahigit pa ata) na mga elemento ng pelikula, hindi ko tatalakayin ang lahat ng ito dahil ang mga lumitaw lamang na nakatulong sa pagdevelop ng kwento ang tatalakayin ko. Ang uunahin ko munang elemento ay ang tunog. Nais kong bigyan ng komendasyon ang musikang ginamit dahil naging epektibo ito sa pagpapakita ng emosyon. Ang pinakapaborito ko marahil ay ang kanta na paulit-ulit na naging matingkad sa pelikula, ang kantang isinulat ni Raimund Marasigan ng bandang Sandwich ( na dating drummer ng Eraserheads). Hindi ko sigurado ang titulo nito marahil ay “Sasamahan kita” (?) ang titulo nito, yun lamang ang naiisip kong maaaring maging titulo nito. Naging matingkad ang paggamit nito noong sila’y nagiging magkalapit na. At pinatugtog ang kahabaan ng kanta sa kanilang ‘love scene’ na lalong nagbigay ng buhay sa mga lyrics nito.Hindi ko maalala ang mga lyrics ngunit ang paulit ulit na sinasambit ng kantang ito ay ‘sasamahan kita’. Sa mga salitang ito umiikot ang pagsasama nina Rome and Juliet. Ganito marahil ipinahiwatig ng manunulat ng kanta ang relasyong lesbiyana. Sina Rome at Juliet ay nagsimula bilang magkaibigan hanggang sa nagkahulugan ng loob na mahigit pa sa pagkakaibigan. Gustong ipahiwatig nito na “Sasamahan kita. Kahit na anu pa man ang mangyari, nandito lang ako. Tayo man o hindi. Basta mahal kita. Seryoso ako. ” Yon ang gustong sabihin ng kanta. Sa elemento naman ng pag-arte, naging epektibo sina Mylene Dizon at Andrea del Rosario sa pagganap ng dalawang ‘straight’ na babae na sa kalaunan ay nagkaibigan. Kilala naman si Mylene Dizon sa kanyang background bilang isang babaeng ‘independent’ mag-isip, liberal etc. Si Andrea del Rosario naman ay bagamat pa-seksi ang kaniyang imahe eh may natatagong konserbatibismo; maaaring nakahubog nito sa kanya ay ang kanyang pagiging mag-aaral ng isang katolikong paaralan. Sa karakter ng dalawang babaeng ito makikita ang dualismo na isinasakatawan ng babae. Ang babaeng palaban at ang babaeng ‘tradisyonal’. Unahin muna nating ang babaeng tinatawag na tradisyunal. Sabi nga na ang babae ay dapat sumunod na lamang sa lalake, pinapangarap lang sa buong mundo ay makasal at iyon na para bang yun lamang ang dapat abangan sa buong buhay niya, ang magkaroon ng mga anak, atpb. Alam niyo na iyon, marahil. Isang simbolo nito na mula sa pelikula ay ang pantali sa buhog na palaging ibinibigay sa kanya ng kanyang kasintahan na si Rafael Rosel. Ang panali na ito ay sumisimbolo ng pagsunod sa ‘norm’. SA kabilang banda, ang palaban naman na babae ay malamang kabaligtaran ng tradisyunal: nag-iisip ng kanyang sariling kapakanan, hindi nagpapa-ander sa mga lalake, praktikal, ginagamit ang isip hindi ang puso atbp. Isang simbolismong maaaring magpakita dito ay ang eksenang nakikipagtalik siya sa kaibigan niya na Australianong lalake (? hindi sigurado). Siya ang nasa ibabaw samantalang ang lalake ay nasa ilalim at pagkatapos makaraos ni Juliet ay iniwanan na lamang ito sa sofa.Bagamat nais ipakita ng pelikula ang dualismong ito, hindi mo parin maikakatuwa na nag-ooverlap din ang tradisyunal at ang palaban na katangian sa isang karakter o kahit sa tunay na buhay. Si Rome, sa una ay palaban na palaban ang ipinapakita ngunit, nagpakita din ng sensibilidad. Nakita ito sa pagiging matigas ni Rome sa pagpaparaya kay Juliet dahil alam niyang nakasira siya ng relasyon. Matigas siya sa lahat ng bagay, perfectionist ngunit pagdating kay Juliet ay lumalambot. Lumambot ito nang siya’y nagdesisyon na gamitin ang kanyang puso at sumama kay Juliet. Si Juliet naman ay kahit na mukhang konserbatibo, may itinatago din palang pagiging palaban. Makikita naman sa pelikula na ayaw din ni Juliet na sumunod makikita ito sa simbolismo ng panali. Nagtatali lamang siya kapag kasama ang kanyang kasintahan kapag wala ay nilulugay niya lang ang kanyang buhok at lalu na kapag kasama niya si Rome talagang lugay lang ang kanyang buhok. Sumisimbolo ito ng kalayaan sa ‘norm’ na itinatawag. Sa dalawang karakter pa lamang ng dalawang babaeng ito, kahit na dualismo ng pagiging babae ang nais ipakita, sa bandang huli magkakaroon parin ng pagkakatagpo sa gitna. Maaaring may pagkakataon na gusto mo lang maging palaban may pagkakataon din na gusto mo ding maging malambot. Nagbabago ang lahat. ( abangan ang susunod na kabanata…)